Thursday, May 06, 2004
10:41 AM
... puerto galera: talk about fun, excitement, adventure, and sumthing else... ...
puerto galera: talk about fun, excitement, adventure, and sumthing else...
may 1-2 2004
by jayd
last weekend, i went back to puerto galera. this time around, with some very close friends.
froi, the ever loud and cheerful pal.
jp, poised palagi at pamatay ang lakad.
chris, ang pahinhing effect at ang vice president.
and miko, the silent but super sweet baby faced miko.
ayan, we left buendia at around 4am na. kakaantok sa bus. we arrived at batangas pier ng 630am. sobrang nagmamadali kmi at naharang pa kami ng mga nagtitinda. hahabol sana kmi sa mga boat na 7 or 730am kya lang puno na lahat. the earliest we cud get was 830 na! so we had to wait. damn, it was so hot and dami ng tao. dami ring cute, xempre. sinakyan namin mb gorgonilla. kala nga namin malaki yun pala maliit lang. hahaha! maalon that tym kaya kabang kaba kami. tpos muntik pa kming bumangga sa isang vessel. hay...
dumating kmi sa white beach ng mga bandang 930am. Bili kmi agad ng tickets pabalik dahil bka maubusan kmi. After that, we started calling our contacts there to ask kung merong available na mga rooms. At wala ng available na mga rooms. Kahit mga houses na malapit sa beach, fully booked! Pati hotels. Grabe. Dami kcng tao.naglakad lakad kmi at nagtanong tanong. Merong bakante pero super layo na, malapit na sa hiway. Tlgang naghanap kmi hanggang sa mga kaliblibang lugar. At nkhanap kni ng isang kubo. Ayan, parang immersion program ito. Kakaiba dahil kubo tlga ito. Pero ok na rin dahil may cable, ref, at may tindahan kaya ala problema sa food. Hehehe. At mbabait yung mga nakatira. Dun kami nagstay. 2 kwarto inupahan namin.
Pagkatapos magayos ng gamit, naghanap kmi ng makakainan, then after that, naglakad lakad muna kmi. Ang dami ngang cute. At daming common friends na ndun din. Pati mga instructor ko sa gym at sum friends from church, ndun din. Mainit na mciado kaya balik kmi sa kubo para magpahinga muna.
At around 4pm, beach na kmi. Cyempre, super lagay ng sunblock. Swim to the max na ito. Then nagkayayaan na pumunta sa mini beach, sa likod ng white beach. Xempre kelangan dumaan sa batcave para makapunta doon. Ayun, adventure talaga! Natuwa naman cla sa nkita nila. Mganda tlga dun sa mini beach. Mas tahimik, mas mganda. At may diving site. After nun e shopping naman ang inatupag namin.
Dinner time na, puno ang mga resto, at kung di naman e, wala ng menu. Pero nkahanap din kmi. Sarap ng food at ng mga shake. Balik kmi sa kubo after. Watch ng tv at rest. Tpos umulan, tpos nagbrownout. Ang saya d ba. Nakatulog na lang kmi. Tpos nung bandang mga 12, nagkayayaan pumunta sa bar. Go kmi.
Ang saya dahil parang nsa Bed din kmi dahil sa music. At ang wild ng mga tao. Dami ko nainom at nung mejo nagwawala na ako, niyaya na ako ni mico umalis. Then punta kami sa beach, lakad lakad. Hanggang umabot kmi sa may batcave. Dun muna kmi nagstay. Bakit kaya?
Inumaga na kmi dun at dumiretso na rin sa kubo para matulog. 6am na yun. Then nagising kmi ng mga 1030am. Nagkayayaan pumunta sa batuhan, sa kabilang side naman yun. Hay naku, pasaway dahil napagod lang kmi. Pero in fairness, mganda magkodakan dun. Tapos lakad na naman kami dun sa batcave, sobrang saya ng kwentuhan namin at panlalait dun sa mga dumadaan. Dun namin napagkwentuhan yung mb hello super rainbow at kung anik anik pa. Then lunch ulit dun sa resto na kinainan namin. As usual, dami cute. Hehe. At wag ka, dahil suot nga pala namin ang mg sarong namin. Talagang super parade of sarong ito!
Pagtapos nun, nagkayayaan ulit, for the last time, punta sa mini beach. Ayun, go kami. Sobrang saya. Sa sobrang saya, nakalimutan namin ang oras. Nung pabalik na kmi e nakita namin na nagsasakay na nga mb brian (yung sasakyan namin pabalik). Nagpanic kmi at nagmadali. Wala ng banlaw banlaw. Drecho palit lang ng damit. In other words, amoy dagat pa kmi. Takbo talaga kmi. At sobrang kaasar dahil hindi pa pala yun. May 3 pang dumating na vesel bago yung amin. Kaasar d ba.
Nung dumating na yung vessel namin, naisip namin magpahuli, kasi nung papunta kmi, nauna kmi kaya sa hulihang part kmi ng bangka napaupo, e ramdam na ramdam mo yung dagat pag ganun e. kaya this time, nagpahuli kmi. At ang ganda! Ibang klase pala itong bangkang ito, dahil huli kmi, dun kmi sa ilalim na compartment napaupo. Halos maiyak kmi dahil sa takot. As in kalevel mo na ata yung dagat. At pag lumubog iyon, kmi ang unang una. Maalon pa nun at mejo umuulan. Ginawa na lang naming katuwa tuwa ang moment na yun. Nagtawanan kmi at ang ingay tlga namin.
Pagdating sa pier, nksakay kmi ng bus, pero sa dulo na. Hay. Tlgang pasaway. Dinaan na lang namin sa tulog ang mahabang byahe pabalik ng Manila.
Pagdating sa Manila, around 1030pm na yun, parang ayaw pa naming maghiwalay. Sobrang bonding talaga kc. Kahit sandali ay nakalimot kmi sa mga trabaho at problema namin.
Next year, planado na ang pagbabalik namin sa puerto galera. Mas madami na dapat kmi, para mas masaya...
_______________________________________