Tuesday, April 26, 2005
10:40 AM
... MGA TURO NI TATAY AT NANAY ...
i got this from an email. kakatuwa. read on.
=)
MGA TURO NI TATAY AT NANAY
Tandang Tanda Namin Ni Kuya Ang Saya At Lumbay Sa Poder Nila Inay At
Itay...
Lalo Na Ang Mga Magagandang Lessons Na Natutunan Namin Sa
Kanila!
Si Inay, tinuruan niya ako ng
HOW TO APPRECIATE A JOB WELL DONE. "Kung kayong dalawa ay magpapatayan, doon kayo sa labas. Mga
punyeta kayo, kalilinis ko lang ng bahay." Natuto ako ng
RELIGION kay Itay.
"Kapag yang mantsa di natanggal sa carpet, magdasal ka na!"
Si Itay, tinuruan niya kami ni Kuya kung anong ibig sabihin ng
TIME TRAVEL. "Kung di kayo tumigil ng pagngangawa diyan, tatadyakan ko kayo
ng todo hanggang umabot kayo sa isang linggo!" Kay Inay ako natuto ng
LOGIC.
"Kaya ganyan, dahil sinabi ko." Kay Inay din ako natuto ng
MORE LOGIC.
"Kapag ikaw ay nalaglag diyan sa bubong, ako lang mag- isa ang
manonood ng sine." Kay Itay naman natuto ng
FORESIGHT si Kuya.
"Siguraduhin mo na lagi kang magsusuot ng malinis na brief, para pag
nakascore ka sa syota mo e di kahiyahiya." Si Inay naman ang nagturo sa akin kung ano ang ibig sahibin ng
IRONY.
"Sige ngumalngal ka, kung di bibigyan talaga kita ng iiyakan mo!" Si Inay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang
CONTORTIONISM.
"Tignan mo nga yan dumi sa likod ng leeg mo, tignan mo?!?" Si Itay ang nagpaliwanag sa akin kung anong ibig sabihin ng
STAMINA.
"Wag kang tatayo diyan hangga't di mo natatapos kainin lahat yan gulay mo!" At si Inay ang nagturo sa amin kung anong ibig sabihin ng
BAD WEATHER.
"Alangya, ano ba itong kuwarto nyong magkapatid, parang dinaanan ng bagyo!" CIRCLE OF LIFE, ang paliwanag sa akin ni Inay ay ganito:
"Malandi kang bata ka, iniluwal kita sa mundong ito, maari rin kitang alisin sa mundong ito." Kay Itay ako natuto kung ano ang
BEHAVIOR MODIFICATION.
"Tatadyakan kita diyan, huwag ka ngang maguumarte diyan na parang Nanay mo!" Si Inay naman ang nagpaliwanag sa amin kung anong ibig sabihin ng
GRATITUDE.
"Mga leche kayo, maraming mga batang ulila sa magulang, di ba kayo nagpapasalamat
at mayroon kayong magulang na tulad namin?!" Si Itay naman ang nagturo sa akin ng
ANTICIPATION.
"Tangna kang bata ka, hintayin mong makarating tayo sa bahay...."! Si Inay naman ang nagturo sa aking kung ano ang
HUMOR.
"Kapag naputol yang mga paa mo ng pinaglalaruan mong lawn mover, wag na wag kang tatakbo sa akin at lulumpohin kita!" Kay Itay naman natuto si Kuya ng
HOW TO BECOME AN ADULT.
"Kung di ka matutong magbati, eh di ka nga tatangkad." Si Inay ang nagturo sa akin kung anong ibig sabihin ng
GENETICS.
"Nagmana ka nga talaga sa ama mong walanghiya." Kay Inay din ako natuto ng
WISDOM.
"Pag umabot ka na ng edad ko, saka mo pa lang maiintindihan ang lahat." At ang paborito ko sa lahat na natutunan ko kay Inay at Itay ay kung ano ang
JUSTICE.
"Isang araw magkakaroon ka rin ng anak, panalangin namin na sana'y
matulad sila sa yo...haliparot!
_______________________________________